Namimiss na kita.

WTFH. Namimiss na kita ng sobra. Kung pwede lang sigurong lumipad nakalipad na ko. Namimiss na kitang yakapin at kulitin, asarin at guluhin. Namimiss na kita ng sobra. Bakit kasi di pwedeng ifast forward angga araw. Bakit kasi di pwedeng ilagau na kaaga sa September ngayon. Nakakinis, namimiss na kita. Kung alam mo lang kung gaano kita kamiss. Sobra sobra sa di inaasahan. Nakakamiss ka na.

*Sana September na. Sana. Imissyou so much.

View text
  • 7 hours ago

I met a new friend.

07232014

So I met a new friend, kani kanina lang. Eto ang kwento. Naghahanap kasi ako ng sandals for my papa and mama. Nakabike ako nun, then umuwi muna ko para magtanong sa mga kapatid ko ng size ng paa ni paa. Kasi nga parepareho kaming mga walang load at alam kong di naman sumasagot sila ng phone. So, yun. Nung pabalik na ko sa store, I decided to walk na lang kasi sabi ko baka umulan tsaka exercise na din.

So nasa centro ko, dun sa tapat ng theater, may isang guy solo lang. Then nadaanan ko sya, tapos biglang tumayo at nakasabay ko sa paglalakad. Tapos nagstop sya. Tiningnan ako, then naglakad na ulit. Yung tipong parang sinusundan ako kasi nga malapit lapit lang kami. E biglang tumawid, so sabi ko sa sarili ko, “okay, nakasabay ko lang. Kumalma ka na.” Dahil di nga ko gaanong marunong magsalita ng Italyano, medyo takot din ako.

Nandun na ko malapit sa Store. Bali sa street mismo ng store. May nakabike tapos tinitigan talaga ako. Then di ko na nga lang pinansin. Hanggang sa may kanto, huminto sya. Tapos nilapitan ako. Syempre, nagulat naman ako. Random guy e, malay ko din ba. Wala rin naman kasi akong kakilala sa lugar. Then kinausap nya ko. Isang Pakistanong lalaki. Then yun, nag-usap lang kami at sinamahan nya ko dun sa store. Dahil di nga ko gaanong marunong magsalita ng italian, nagpatulong ako. Tapos yun. Hanggang sa pauwi na ko, hinatid nya ko. Kinuha nya number ko, dahil di ko memorize number ko binigay nya number na lang nya. Mukang mabait naman, pero iba pala hanap bukod sa pagiging kaibigan. E inunahan ko sya na FRIENDS kami, at yun lang. Mukha naman naintindihan nya. Ewan ko lang kung magkikita ulit kami. Pero natuwa ako kasi friendly sya kahit hirap sya mag- english, pinilit nya makausap lang ako.

So eto lang muna kwento ko. Sa tagal kasi ng pagstay ko dito sa Italy, wala pang kumakausap sa akin or balak makipagkaibigan sa akin e. First time na nangyari sa akin. Ayun lang.

View text
  • 1 day ago

Konting konti na lang. Nakakapuno din kaya. Please gusto ko na talagang umuwi.

View text
  • 2 days ago
View photo
  • 3 days ago
View photo
  • 5 days ago
View photo
  • 5 days ago
View photo
  • #study #middle of the night #italian
  • 1 week ago
View photo
  • 1 week ago
  • 5549
View photo
  • 1 week ago
  • 170
View photo
  • 1 week ago
x